Nanaginip ako kagabi.
napunta ako sa isang planeta. isang magandang planeta. sa una, hindi ako makapaniwala. dilat na dilat ang mga mata ko. malakas ang kabog ng dibdib ko. nasaan ako? hindi kaya nasa mundo ako ng mga engkanto? pero ilang saglit may lumapit bigla sa akin. iba ang kanyang hitsura. iba ang anyo. Tinanong ko siya kung nasaan ako. Hindi siya sumagot. Kundi, sumenyas siya. pinasusunod ako.
Sumunod ako. Lumusot kami sa isang butas. Ang kaninang maliwanag na maliwanag na paligid ngayon ay lalong naging matingkad. Iba ang anyo ng paligid. High tech! Lahat lumilipad! Kotse, bahay, palaruan…pati mga tao roon!
Tinanong ko ung nagdala sa akin doon. Bakit ganun? Sabi niya, makapangyarihan silang lahat. Lahat may kakayahang palutangin ang mga bagay. Pati ang kanilang sarili. basta lahat. Napa-wow ako!
Ayun nga. Naglakbay pa kami. Lumusot sa mga butas na saglit lang kung lamunin kami ng kadiliman at saka ulit makikita ko ang kamangha-manghang lugar nila. Hanggang sa huminto kami sa isang lugar na wala ni isang nakikita kundi maputing liwanag. Hanggang sa lumitaw ang isang hagdan mula sa kalangitan. BUmaba iyon sa kinaroroonan namin. Umakyat roon ang nilalang na nagpapasunod sa akin. SUmunod ako. Inakyat namin iyon na tila haharap ako kay San Pedro.
Ilang saglit, sa itaas. Matapos marating ang pinakatuktok. At mawala bigla ang hagdan na tila mahika ay humarap akong muli sa blangkong liwanag. Ngunit hindi naglipat minuto, tila puting ulap na nahawi ang liwanag at lumitaw ang isang napakarangyang palasyo. balot iyon ng ginto at kamanyang.
Lumapit ako. At handang hawakan ang palasyo. Damhin kung totoo ba iyon. Subalit sumigaw ang nagdala sa akin doon. Huwag ko daw hawakan kung ayokong mamatay. Ang sabi ko. handa akong mamatay. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Gusto kong malaman ang pakiramdam ng may ginto sa kamay. Malaman ang temperatura at tekstura niyon. Higit, malaman kung tunay bang lahat iyon. Kahit hula ko’y panaginip lahat iyon.
Lumapit ang nilalang sa akin. Kinuha niya ang aking kamay. At sa gulat ko, mabilis ko iyong binitawan. Napakainit ng kanyang kamay! Na kung nagtagal ay malamang nasunog na ako. tumango ang nilalang. Iyon daw ang dahilan. Mas mainit ang temperatura ng palasyo kaysa sa kanya. Ilan lamang ang nakakapasok sa palasyo. Kailangan ng permiso mula sa mahal nilang pinuno na naroon.
Tumango ako. Ang takot ay nagsimulang bumuo sa puso ko. Sa dibdib. Naroong gusto ko ng tumakbo. Hindi pala lahat ng nakikita ko’y kagandahan ang hatid. Hanggang sa paningin ko lamang. Hanggang sa aabutin ng aking mga mata. Subalit iba ang pakiramdam.
Oras na. Sabi ng nilalang. Narinig ko ang unti-unting pagbukas ng tarangkahan. Narinig ko ang malakas na langitngit nito. Subalit bago ko pa man makita kung sino at ano ang itinatagong karangyaan ng palasyo…ay,
nagising ako.
Mau Cabo
Sunday, January 2, 2011
Kung Paanong Apektado ni Puso ang Isip ko at Vice-Versa
Lagi naman 'ata
Konektado silang dalawa
Kung paanong tatanggi ang isa
Sasang-ayon naman ang isa
Putcha! Hindi na sila
nagksundong dalawa
Ayaw umoo nung isa
Gustong mag-hindi ng kabila
Naman! Ano ba?
Kung si Paa na lang kaya
ang pumuna?
ang magpasya?
ang magsabi ng tama
sa mali
sa nararapat
sa malaking check
at sa katotohanang
...kung sino ang aking pinakamamahal.
P.S. ANG KESO KO! (Sad :C)
Konektado silang dalawa
Kung paanong tatanggi ang isa
Sasang-ayon naman ang isa
Putcha! Hindi na sila
nagksundong dalawa
Ayaw umoo nung isa
Gustong mag-hindi ng kabila
Naman! Ano ba?
Kung si Paa na lang kaya
ang pumuna?
ang magpasya?
ang magsabi ng tama
sa mali
sa nararapat
sa malaking check
at sa katotohanang
...kung sino ang aking pinakamamahal.
P.S. ANG KESO KO! (Sad :C)
KUNG AKO'Y ISANG TULA
Wala akong saknong
walang tiyak na haba
wala ding tumpak na baybay
Ni hating-dila at pag-nganga
Walang dagling paghinga
Walang mahabang pagluluksa
Walang pagtalon ng ideya
puro lamang salita
tiyak ang laman at panata
tiyak ang damdamin at sapantaha
tiyak ang boses at uring kaiga-igaya
hanggang sa...
hanggang sa...
mawalan ng puso't diwa...
at maging kaawa-awa.
walang tiyak na haba
wala ding tumpak na baybay
Ni hating-dila at pag-nganga
Walang dagling paghinga
Walang mahabang pagluluksa
Walang pagtalon ng ideya
puro lamang salita
tiyak ang laman at panata
tiyak ang damdamin at sapantaha
tiyak ang boses at uring kaiga-igaya
hanggang sa...
hanggang sa...
mawalan ng puso't diwa...
at maging kaawa-awa.
TATAK TUPAS (isang pagbati sa Limang Taong Tupas)
Paulit-ulit kong pinapanood ang isang video. Video ng tupas na shinoot sa Luneta at sa Intramuros. At paulit-ulit din natatawa ako. Humahaplos ang katiwasayan. Bumabangon ang ngiti sa aking labi hanggang sa maging tawa. Tapos papanoorin ko pa ang isang video na tribute simula ng magsimula ang TUPAS, doon -- maluluha ako. Hahaplos ang isang damdaming meron ang isang ina sa kanyang anak. Tama, hindi ako literal na ina, subalit madalas pakiramdam ko, nag-ire ako ng isang anak. At ito ang TUPAS.
Limang taon. Limang hindi birong taon. Madami nang nangyari. Kumbaga sa photo album, limang makakapal ng portfolio din un. Kumabaga sa libro, tapos na ang book 5. May kanya-kanya mang kwento, ang importante naihatid namin ang aming mithiin...ang ibahagi ang sining na tatak TUPian sa kapwa namin TUPian.
At sa anniversary special program na nangyari last friday, dismayado man sa dami ng taong dumating, malungkot dahil hindi halos lahat ay nakapanood ng aming pinaghandaan, nagalit dahil sa mga taong imbes na tumulong ay kami'y tinakasan, nagdamot kaysa makonsensiya...ay naburang lahat iyon ng marinig ko at makita ang talentong baon ng lahat ng naging performers ng programa. Ang kanilang talentong TATAK TUPAS.
Nakatutuwa. Tulad din ng isang ina, naging proud ako sa kanilang lahat. At matapos ang programa, bagaman alam kong malungkot sila dahilan sa dami ng dumalo ay mas ang lamang ng pagmamalaki at kasiyahan sa naging resulta ng pagtanggap. Pagtanggap na may sibol ng paghanga. Paghangang batid kong mas sa Maykapal dahilan sa talentong ibinigay sa kanila. At doon napatunayan nilang, kaya nilang magbigay kaaliwan sa nalulumbay na pagkakataon o mas tamang sa stress na mundo ng isang TUPian.
Anu't anupaman, patuloy pa din ang malupit kong pangarap. Ang maging OFFICIAL PERFORMING ARTS GROUP ng Technological University of the Philippines-Manila ang TUPAS. Batid kong hindi lahat sang-ayon. Batid kong may haplos ng pagtutol sa ilan dahilan sa may naisin din silang isulong. Naising tulungan. Naising iwan na nagmula sa kanila. Subalit naroon pa din ang aking pananalig sa Maykapal. Na ang limang taong naumpisahan ay madadagdagan at yayabong hanggang sa makamit ang ultimate na pangarap.
Kung paanong nangangailangan ang TUP ng isang pamilya ng performing artists, ay handa ang TUPAS tanggapin ang hamon. Hamon sapagkat bukas ang TUPAS ilantad ang talentong dapat hangaan, mapakinggan, bigyan ng pansin at kayang makipagsabayan sa ibang matatagumpay na school-based performing arts group.
Wala sa hinuha naming dapat KAMI LANG. Ang amin lang, sana...sana...isang araw, bigyan ang TUPAS ng ganoong pagkilala at karapatan. Karapatang hindi para iyabang ang talentong meron, bagkus karapatang ipamalas ang talentong meron hindi sa sikil na pamamaraan.
Mabuhay ang TUPAS!
Dalawang Piso sa Aking Bulsa (Isang maikling kwento)
I AM AN ACHIEVER. Ito ang taguri sa akin ng High School teacher ko. He even told me na hindi naman daw talaga ako matalino, masipag lang ako. At kahit man ako, nasosorpresa sa lahat ng nangyari sa tanang buhay ko.
Hindi ako sociable na tao. In fact, konti lang friends ko simula ng magka.isip ako. It didn't bother me nor did scare me. Kontento lang kasi akong mag.isa ako. Kontentong alam kong may kalaro ako. May kakwentuhan. May kaharutan.
Until, some twists in my life came along. Those painful walks and chapters na ewan ko ba kung paano ko nakayanan. I was hospitalized then. Isang sakit na may kakambal na kahihyan. Kung paano ko nalagpasan, hanggang ngayon, napapag.iisip ako. Sabi nga ng isa kong kaibigan, malakas daw kasi ang loob ko.
College changed everything in me. Ung twist na un, ung sakit na un, iyon ang nagdala sa akin sa dalawang mundo ni sa hinagap ay di ko aakalaing matutuntungan ko. At dalawang salita ang nakuha ko - Respeto at Paghanga. Subalit, ang dalawang salitang iyon ay hindi sa lahat ko nakuha.
Yes, we have the sole power to create ourselves. Kung anong silbi natin sa lipunan. Sa komunidad na ating kinagagalawan. May mga bagay na sa tingin ko ay makakatulong sa iba subalit nakakasakit naman pala sa iba pa. May mga konsiderasyon akong naisasambulat, na unfair naman sa iba. May mga pagkakamali akong nagagawa, na sa iba'y napaparausan nilang tama.
Hindi ako perpekto. May dark sides din ako. But, ang respetong nakuha ko at paghanga sa ilan ay bunga ng lakas ng loob ko. Pagtitiwala sa iba. At ang pagbali sa mga iyon ay bunga naman ng mga paniniwala ko at masasakit na salitang naibato ko sa kanila. Para kaming nagbabatuhan ng literal na bato. Walang panalo. Parehas talo. Parehas nasaktan. Parehas agrabyado.
May paborito akong linya. Sinabi ko na 'to noong minsang nagkainitan kami ng nanay ko. Para akong nasa soap opera (laugh trip): "PAGOD NA AKO..."
Kung mamamatay ako ngayon, pasasalamatan ko pa si Papa God. Kasi hindi naman talaga malakas ang loob ko, mahina din ako. Tao din ako. At siguro sa pagkamatay ko, saka nila makikita ang lahat ng punto de bista ko. Gayun pa man, marami akong dapat ihingi ng tawad. Ipagpatawad sa mga panahong nadadala ako ng galit at pagkabulag ng puso. Hindi man direkta, (kasi hindi ako passionate na tao), naidadaan ko iyon sa ibang paraan.
Ngayon, gusto kong makatulog ng mahimbing. Bukas, pagkadilat, iba na ang laman ng puso at utak ko. At makabalik ako sa panahong, wala silang mga nasaktan ko. Gusto ko ibalik ung panahong nagdidirek ako ng isang dula. Na kahit anong masasamang salita ang sabihin ko, alam nilang sa ikabubuti nila iyon, sa ikakabuti ng palabas, hindi sa personal na aspeto. Gusto kong ibalik ung pagkakataong, tapos na ang palabas, maganda ang resulta at lahat kami ay nakangiti. May luha sa mata. At mas mahalaga ang sayang naipinta namin sa lahat ng manonood.
At gusto kong bumalik sa siimpleng ako. Na kahit kailan, hindi namamalimos ng respeto at paghanga. Hindi ako lumaking ganun. Ni hindi tumanim sa pagkatao ko. Ang alam ko lang, gusto kong mapag.isa. Ayoko ng gulo.
Ako un. Ako ung batang madalas pumasok ng maaga sa elementarya, didiretso sa library para basahin ang mga librong: ANG BATANG SI RIZAL at PABULA ni AESOP. Saka ako lalabas ng may ngiti lagi sa labi. Walang pakialam kahit kupas na puti kong t.shirt at naninilaw nilaw pa. Kahit doble ang laki ng sapatos kaysa sa laki ng aking paa. At kahit dalawang piso lang ang laman ng aking bulsa.
Ako iyon. Ako iyon. Tama, sana natapos na lamang ang lahat noong pagkabata ko. Sana.
Commitment
6:03 in the morning.
TO BE EXACT. Bigla, parang kidlat na kumudlit sa isip ko 'ung sinabi ng friend ko kahapon, na paano ang lovelife ko kung bobonga ang career ko? Sabi ko, I'm used to having NO BOYFRIEND SINCE BIRTH (nagkaroon naman pero wala sa level na seryoso ako-'wag na kayong mag-react magbasa na lang kayo!). The truth is, malungkot din sa part ko. Bitterness to the highest level din ang drama ko. Pero aun eh. Isa ako sa mga nagpapakagago sa paniniwalang may ka.soulmate ako. That's part of the so called MIND CONDITIONING.
Gusto din naman na may nag.t.txt sa akin ng sincere na na.mi."MISS" niya ako. Na "LOVE YOU," o 'ung ka cheesy cheesy at walang kamatayang linyang "INGAT KA PO. MAHAL NA MAHAL KITA!" Kung magkaganun man, tatambling ako ng bonggang.bongga! SWEAR! Itaga mo pa sa bilbil ng pinakamatabang friend mo!
Pero hindi ako si "Lucky girl" ayon kay Britney Spears. Lalong hindi isang "Sexy Bitch" para habulin ng mga yummy na boys. I'm just a simple specie. Mas mapagkakamalang gangsta kaysa umiibig. Unang tingin pa lang sa akin mas mahal ko pa daw ang buhay interes ko kaysa may isang dapat mahalin. I'm into arts. Performing arts. I'm into writing. Creative writing. I'm into media arts. Music video and short filmmaking. Pero wala isa mang nagsabing, romantiko ako. Malandi, meron pa!
And to compensate what I do not have in terms of love. Ibinubuhos ko ang buong panahon ko sa mga nakakahiligan ko. Sa mga sidelines ng buhay ko. Sa mga personal na interes na nagpapasaya sa akin. Kasi kung hindi ko iyon gagawin. mas lalo akong malulungkot. Mabi-bitter. Magso.sour.grape. At sa huli, baka mas kaibigan ko na si alak, sigarilyo at si kutsilyo tungo kay kamatayan.
Emo daw tawag dun. Pero sa akin, hindi. Natural lang nararamdaman 'un. Parte. Kung magpapatalo ka, EMO KA NGA!
For now, balik novena ako. Baka limang minuto makalipas nito, may mag.txt sa akin, at sabihin niyang SIYA ANG SOULMATE ko...'un lang may tawag sa akin - UMAASA! :D
Smile na lang ako. Saka sad face ulit. Kaloka.
MGA DAPAT HINDI MAMUTAWI SA LIPS ng ISANG MEN :D
ahil ang mga salita ang bumubuhay sa atin, at ito ang sumasalamin kung anong klase tayo at kung anong meron sa ating pagkatao, minarapat kong maglabas ng sarili kong bersyon, o karagdagan na mga salita o pantig na hindi dapat o hinding hindi dapat umalingas sa bibig ng isang lalaki.
Regards,
Maurelio C. Cabo Jr.
Senior Claim Analyst
Accenture Delivery Center in Manila (Philippines)
11F Cybergate Tower 1
Mandaluyong City
Philippines
This e-mail may contain confidential and/or privileged information. If you are not the intended recipient (or have received this e-mail in error) please notify the sender immediately and destroy this e-mail. Any unauthorized copying, disclosure or distribution of the material in this e-mail is strictly forbidden.
Subscribe to:
Posts (Atom)