Sunday, January 2, 2011

TATAK TUPAS (isang pagbati sa Limang Taong Tupas)

Paulit-ulit kong pinapanood ang isang video. Video ng tupas na shinoot sa Luneta at sa Intramuros. At paulit-ulit din natatawa ako. Humahaplos ang katiwasayan. Bumabangon ang ngiti sa aking labi hanggang sa maging tawa. Tapos papanoorin ko pa ang isang video na tribute simula ng magsimula ang TUPAS, doon -- maluluha ako. Hahaplos ang isang damdaming meron ang isang ina sa kanyang anak. Tama, hindi ako literal na ina, subalit madalas pakiramdam ko, nag-ire ako ng isang anak. At ito ang TUPAS.

Limang taon. Limang hindi birong taon. Madami nang nangyari. Kumbaga sa photo album, limang makakapal ng portfolio din un. Kumabaga sa libro, tapos na ang book 5. May kanya-kanya mang kwento, ang importante naihatid namin ang aming mithiin...ang ibahagi ang sining na tatak TUPian sa kapwa namin TUPian.

At sa anniversary special program na nangyari last friday, dismayado man sa dami ng taong dumating, malungkot dahil hindi halos lahat ay nakapanood ng aming pinaghandaan, nagalit dahil sa mga taong imbes na tumulong ay kami'y tinakasan, nagdamot kaysa makonsensiya...ay naburang lahat iyon ng marinig ko at makita ang talentong baon ng lahat ng naging performers ng programa. Ang kanilang talentong TATAK TUPAS.

Nakatutuwa. Tulad din ng isang ina, naging proud ako sa kanilang lahat. At matapos ang programa, bagaman alam kong malungkot sila dahilan sa dami ng dumalo ay mas ang lamang ng pagmamalaki at kasiyahan sa naging resulta ng pagtanggap. Pagtanggap na may sibol ng paghanga. Paghangang batid kong mas sa Maykapal dahilan sa talentong ibinigay sa kanila. At doon napatunayan nilang, kaya nilang magbigay kaaliwan sa nalulumbay na pagkakataon o mas tamang sa stress na mundo ng isang TUPian.

Anu't anupaman, patuloy pa din ang malupit kong pangarap. Ang maging OFFICIAL PERFORMING ARTS GROUP ng Technological University of the Philippines-Manila ang TUPAS. Batid kong hindi lahat sang-ayon. Batid kong may haplos ng pagtutol sa ilan dahilan sa may naisin din silang isulong. Naising tulungan. Naising iwan na nagmula sa kanila. Subalit naroon pa din ang aking pananalig sa Maykapal. Na ang limang taong naumpisahan ay madadagdagan at yayabong hanggang sa makamit ang ultimate na pangarap.

Kung paanong nangangailangan ang TUP ng isang pamilya ng performing artists, ay handa ang TUPAS tanggapin ang hamon. Hamon sapagkat bukas ang TUPAS ilantad ang talentong dapat hangaan, mapakinggan, bigyan ng pansin at kayang makipagsabayan sa ibang matatagumpay na school-based performing arts group.

Wala sa hinuha naming dapat KAMI LANG. Ang amin lang, sana...sana...isang araw, bigyan ang TUPAS ng ganoong pagkilala at karapatan. Karapatang hindi para iyabang ang talentong meron, bagkus karapatang ipamalas ang talentong meron hindi sa sikil na pamamaraan.

Mabuhay ang TUPAS!

No comments:

Post a Comment