I AM AN ACHIEVER. Ito ang taguri sa akin ng High School teacher ko. He even told me na hindi naman daw talaga ako matalino, masipag lang ako. At kahit man ako, nasosorpresa sa lahat ng nangyari sa tanang buhay ko.
Hindi ako sociable na tao. In fact, konti lang friends ko simula ng magka.isip ako. It didn't bother me nor did scare me. Kontento lang kasi akong mag.isa ako. Kontentong alam kong may kalaro ako. May kakwentuhan. May kaharutan.
Until, some twists in my life came along. Those painful walks and chapters na ewan ko ba kung paano ko nakayanan. I was hospitalized then. Isang sakit na may kakambal na kahihyan. Kung paano ko nalagpasan, hanggang ngayon, napapag.iisip ako. Sabi nga ng isa kong kaibigan, malakas daw kasi ang loob ko.
College changed everything in me. Ung twist na un, ung sakit na un, iyon ang nagdala sa akin sa dalawang mundo ni sa hinagap ay di ko aakalaing matutuntungan ko. At dalawang salita ang nakuha ko - Respeto at Paghanga. Subalit, ang dalawang salitang iyon ay hindi sa lahat ko nakuha.
Yes, we have the sole power to create ourselves. Kung anong silbi natin sa lipunan. Sa komunidad na ating kinagagalawan. May mga bagay na sa tingin ko ay makakatulong sa iba subalit nakakasakit naman pala sa iba pa. May mga konsiderasyon akong naisasambulat, na unfair naman sa iba. May mga pagkakamali akong nagagawa, na sa iba'y napaparausan nilang tama.
Hindi ako perpekto. May dark sides din ako. But, ang respetong nakuha ko at paghanga sa ilan ay bunga ng lakas ng loob ko. Pagtitiwala sa iba. At ang pagbali sa mga iyon ay bunga naman ng mga paniniwala ko at masasakit na salitang naibato ko sa kanila. Para kaming nagbabatuhan ng literal na bato. Walang panalo. Parehas talo. Parehas nasaktan. Parehas agrabyado.
May paborito akong linya. Sinabi ko na 'to noong minsang nagkainitan kami ng nanay ko. Para akong nasa soap opera (laugh trip): "PAGOD NA AKO..."
Kung mamamatay ako ngayon, pasasalamatan ko pa si Papa God. Kasi hindi naman talaga malakas ang loob ko, mahina din ako. Tao din ako. At siguro sa pagkamatay ko, saka nila makikita ang lahat ng punto de bista ko. Gayun pa man, marami akong dapat ihingi ng tawad. Ipagpatawad sa mga panahong nadadala ako ng galit at pagkabulag ng puso. Hindi man direkta, (kasi hindi ako passionate na tao), naidadaan ko iyon sa ibang paraan.
Ngayon, gusto kong makatulog ng mahimbing. Bukas, pagkadilat, iba na ang laman ng puso at utak ko. At makabalik ako sa panahong, wala silang mga nasaktan ko. Gusto ko ibalik ung panahong nagdidirek ako ng isang dula. Na kahit anong masasamang salita ang sabihin ko, alam nilang sa ikabubuti nila iyon, sa ikakabuti ng palabas, hindi sa personal na aspeto. Gusto kong ibalik ung pagkakataong, tapos na ang palabas, maganda ang resulta at lahat kami ay nakangiti. May luha sa mata. At mas mahalaga ang sayang naipinta namin sa lahat ng manonood.
At gusto kong bumalik sa siimpleng ako. Na kahit kailan, hindi namamalimos ng respeto at paghanga. Hindi ako lumaking ganun. Ni hindi tumanim sa pagkatao ko. Ang alam ko lang, gusto kong mapag.isa. Ayoko ng gulo.
Ako un. Ako ung batang madalas pumasok ng maaga sa elementarya, didiretso sa library para basahin ang mga librong: ANG BATANG SI RIZAL at PABULA ni AESOP. Saka ako lalabas ng may ngiti lagi sa labi. Walang pakialam kahit kupas na puti kong t.shirt at naninilaw nilaw pa. Kahit doble ang laki ng sapatos kaysa sa laki ng aking paa. At kahit dalawang piso lang ang laman ng aking bulsa.
Ako iyon. Ako iyon. Tama, sana natapos na lamang ang lahat noong pagkabata ko. Sana.
No comments:
Post a Comment